Sunday, December 19, 2010

Tula ng PYM 2010

Paano ba tinatapos ang isang taon?
Ito ba ay tulad ng aklat, kagyat na sinasara?
Ito ba ay tulad ng paglalog-out sa Facebook, isang click lang?
O kaya’y pagsasara ng pintuan, isang tulak sabay lock?
Isang taon ang nalalapit nang magtapos
Isang taon na hitik sa saya at luha
Isang taon na binalot ng lungkot at tuwa
Isang taon ng tagumpay ng gotohan at bulaklakan
Ng JAM 3 camp sa Tanay, Rizal
Ng Got Talent, ng biritan
Ng sayawan at ng hiritan
Ng misang pangkabataan, natatapos sa ihawan
Love Triangle na de-puntos-puntos pa
Love Teams na di na tumama-tama
At love teams na tamang-tama
Mga house visits na sagad-laman
At mga mensaheng tagus-tagusan
Sample ni Eds:
Napuno ang utak ko pero ang puso ko empty pa rin.
Sample ni Alvin:
Ang pag-ibig ang kumikilala sa karupukan ng isang tao
Sample ni Dennis:
Hehe
Na hiniritan ni Jaypee ng:
Ano? Tatumbling na ba ko?
Mga sermong ala-pari
Mga aral na ala-Kristo
Pahuhuli ba ang kalokohan?
Tiyak na hindi sa ating samahan
Mga  hiritan at mga tumblingan
Formal-formalan na Tagalugan
Pinauso rin sa meetingan

Hindi ko na yata mabilang ang dami
Ng bagay na nagisnan
Tulad ng ating walang hanggang paalamanan
Tuwing uwian
Sana ang mga alaala ng taong ito’y
Hindi humiwalay
Sa ating puso’t isipan
At kita-kits sa susunod na taon, mga kaibigan
Dahil sa della Strada PYM
Hindi uso ang paalamanan,
Alam niyo yan. ♥


-h